Golden Week
Yehey! Mahabang bakasyon para sa mga students, teachers, employees dito sa Japan simula kahapon hanggang Friday next week. Hindi lang ako kasing-swerte ng iba dahil may pasok ako sa lunes at sa friday. Huhu.
Kahapon ay Midori no hi. Araw ng Berde. Hindi berdeng mga utak kundi Araw ng nature. Noong unang panahon kase, sineselebreyt tuwing April 29 ang bday ni emperor Showa. Eh nature-lover ang lolo natin kaya ginawa nilang nature day nung namatay ang emperor.
Sa May 3 naman, Kenpo Kinenbi o araw ng konstitusyon. May 3, 1947 naging effective ang post-war konsti ng japan.
May 5 naman ay Kodomo no hi. Araw ng mga bata. Araw din kaya ng paggawa ng mga bagong bata?! =) Actually hindi araw ng lahat ng bata ito. specifically, araw ng mga batang lalake kung saan pinagpi-pray ng mga pamilya ang health ng kanilang mga batang lalaki. at sa bawat bahay na may batang lalaki, may nakasabit sa koinobori (carp-shaped streamers).Ang May 4 naman ay tinatawag nilang Kokumin no Kyujitsu o translated as Between Day. pero literally it means araw ng mga citizen. Kapag napagitnaan ng dalawang holiday ang isang araw, dinideklara na rin itong holiday. Unless ang pagitan, or the between day, is a sunday. winner di ba?
Para sa mga naiipit na dates, May 2 at 6, ginagamit na ng mga nanay at tatay ang kanilang paid vacation para dito. At may mga ibang companies din na hindi na rin nag-ooperate sa mga ipit na araw dahil mas magastos daw. swerte!
Kaya naman inaabangan itong Golden Week na ito. Mapupuno ang lahat ng mga pasyalan; amusement parks, aquariums at kung ano-ano pa. Magsisiksikan sa mga train stations. Parusa ang pagpunta sa USJ at Disneyland. =(
hindi lang ito golden opportunity para makapagpahinga at makapagrelax. golden opportnity din ito sa business at sa economy. lumalabas ang pera ng mga Hapon, umiikot sa market.
yun nga lang pwede ding matapos ang golden week na doble ang pagod mo dahil sa hassle at stress. harharhar.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home