Monday, April 11, 2005

Lunes na naman

Koreksyon, matatapos na naman ang Lunes. Parang kaliwa`t kanan ang activities ko ngayon. Naks, feeling busy talaga. Well, sorta. Nagstart na ang spring semester at ako po ay M1, 1st year sa Graduate School of Language Education and Information Science sa Ritsumeikan University. Last Thursday umattend ako ng klase, Language Information. Naloka ako. In Japanese diniskas ang computer language. Mas naloka ang sensei ko kase may tinanong siya kung ano ang ibig sabihin ng CPU, hindi nasagot. Taas na pala ng computer literacy ko dito compared sa iba kong klasmeyt. =)
Nung Friday naman, tungkol sa Second Language Acquisition ang subject. Ang daldal nung sensei. At wag ka, nagpakilala kami isa-isa. Naubos ang isa`y kalahating oras sa kuwento niya at pagpapakilala namin! Feels like elementary days are back.
At ngayon, naghihintay ako ng 7:40 para sa huling klase sa araw na ito. 10:40am pa lang nandito na ako skul. Kung mahihiwalay ko lang kaluluwa ko sa aking katawan, tatapikin ko ang aking balikat at sasabihing "Hoy, gumising ka nga. Uwi ka na lang at baka makatulog ka sa klase. Para kang Hapon niyan. "
I need a hug.
-----------
Image hosted by Photobucket.comThe sakura is now in full bloom. Nung weekend, daming laseng na Hapon, tanghaling tapat. Its their way of celebrating the new season. Actually, spring is equated with the beginning of the year. Kaya naman, very meaningful ang sakura. New life. At pag nakita mo nga naman ang cherry blossoms, mapapakanta ka ng ang gaan-gaan ng feeling, with mathcing pa-sway-sway ng buhok.
Sana makapag-hanami din kami. Wala pa akong digicam to capture the beauty of the season. Huhuhu. (ToT)
Puwede ba yung magbibigay sa akin ng hug samahan na ng digicam?

2 Comments:

At 9:04 PM, Blogger Erwin Rafael said...

huhuhu, la akong pera pambili ng iyong digicam. :(

 
At 1:53 AM, Blogger Anj said...

Aaay! Sakura! Gusto ko deeeen!

- Gelay

 

Post a Comment

<< Home