Sunday, April 24, 2005

Pagtitipid

Buwan-buwan akong nakakatanggap ng sweldo sa DOM kong sakang. Doon ko kinukuha lahat ng dapat (at hindi dapat) kong pagkagastusan: bayad sa bahay, phone, gas, electricity, insurance, books, pagkain, pangkaraoke, pangdisco, etc., etc. Siyempre kailangan ko ding magtipid pa lalo para makatawag sa pinas. At para naman fair, since may trabaho naman si paeng, inoobliga ko din siyang tumawag din sa akin, kahit isang beses sa isang linggo.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko para makatipid dahil may kailangan talaga akong bilhin na mga gadgets (andyan ang laptop, mp3, digicam, etc.). Sinusunggaban ko lahat ng libreng lunch o dinner. Kahit malayo basta inaabot ng bike, bike ang beauty ko para tipid sa bus fare (minus baby fats din kase) .

Pero minsan, napapagastos din ako sa pagtitipid ko. Pag may nakita akong naka-sale sa supermarket, bibili ako. Hindi ko na babasahin. Halimbawa, may nakita ako dating murang coffee. Mocha blend pa. Walang basa-basa. Binili ko. Nang inuwi ko na sa bahay, hindi pala instant. Alangan namang bumili ako ng coffee maker di ba?

Si paeng naghahanap din ng paraan para makatawag ng mas madalas sa mas murang halaga. Tumawag kagabi, nagsisigawan na kami hindi pa namin maintindihan ang isa`t-isa. Sa seven minutes na pag-uusap namin, wala akong sinabi kung di "Ano? Ano kamo? Labs, hindi kita maintindihan. Ang hina ng dating mo. Ano ulit?" Hanggang sa naputol pa yung connection.

Mura nga yung card na nabili, panget naman connection. So napilitan siyang tumawag ulit, gamit na yung cellphone niya. =)

Ang moral of the story: Gumastos na lang tayo!

3 Comments:

At 9:22 AM, Blogger Erwin Rafael said...

hahaha!!! tandaan, tatlo pa ang budget card ka. LOL!!!

 
At 1:41 PM, Blogger sachiko said...

hey! how are you,ria? thanks for the messages u left on my blog..
im not in kyoto but i went there with my daughter last month.

that was funny,the coffee thing.ahihihi..lolz

 
At 8:14 PM, Blogger Wanderer Lady said...

nakakatuwa naman...pero totoo yan. sabi ng dad ko noon, itapon na ang mga nasisirang pagkain na gusto pang kainin ng nanay kong mapangtipid. kulang pa ang gagastusin sa ospital - dahil lang sa pagtitipid. :)

ako naman, dahil sa pagtitipid para sa kung anong emergency, eh wala akong nabibili na gusto ko. buti na lang nakabili na ako ng laptop, kundi magiging "to buy or not to buy" decision na naman yan. kaya luma ang lahat ng gamit ko, dahil sa pagtitipid. kaka noh? kaya nga nagtatatrabaho, para makabili ng gusto at mapasarap ang buhay kahit konti lang. :)

 

Post a Comment

<< Home