Tiring Monday
Lunes palang pagod na ako. Ano ba yan? Masakit na ang mata ko kababasa ng kung ano-ano dito sa net, ng mga forms na kailangan kong ayusin at sagutan. Kung saan-saan din ako nagpupunta. I mean, kung saan-saang building ng skul ako nagpupunta para magtanong ng mga class schedule, posibleng raket and many more to mention.
-----
Kung hindi pa tumawag si paeng hindi ko pa malalaman na wala na si Pope. Naibalita naman dito sa Japan, medyo tanghali na. Nakakalungkot. Hindi lang ang mga Kristyano dito sa Japan ang nagluluksa. Lahat. Pati ang mga Japanese na hindi kumportable sa pagpapakita ng emosyon sa publiko, umiiyak, nagpupunas ng luha sa mga simbahan. Patunay lang na higit pa sa isang religious leader si Pope. Naalala ko yung pinakitang video niya halos wala na siyang kontrol sa kanyang movements. Naiiyak na naman ako. Mag-offer po tayo ng prayer or moment (para sa mga hindi nagdadasal) para sa ating Mahal na Pope.

1 Comments:
wwaaahhh...oo nga...nakakalungkot talaga dahil nawala na ang ating mahal na Pope..ngayon nga habang nagbabloghopping akoh..si Pope rin ang topic ng iba sa kanilang blog. Nakakatouch naman. ?
Post a Comment
<< Home