Wednesday, February 02, 2005

Mayaman talaga ang mga Hapon

Kagabi may napanood akong show na ang guests ay kakaibang nga Hapon. Kakaiba dahil sa yaman nila. As in sobrang yaman! Yung mga pinagsasabi nilang halaga ng mga kotse, bahay, jewelries e hindi ko ma-imagine. Halimbawa, yung bahay ng isang cosmetologist ay 8-oku yen. Kung hindi ako nagkakamali, eto yan: 8000000000... Isang bahay lang yang! Hindi pa kasama yung nasa loob. Ang halaga ng isang yen ay .54 pesos. Nakakalulang pera. Hindi ko talaga maimagine. Kasya kaya yun sa isang bag?
Meron ding guest na may kotse. Hindi naman masyadong special yung kotse niya. Isa lang naman siya sa 50 taong may ganung kotse.
At nung tinanong yung presyo ng mga relos nila, nagrange mula 3000000yen hanggang 30000000yen ang presyo. Tadtad ba naman ng kung ano-anong mamahaling bato e. Kahit siguro kaya kong bumili ng ganyang relos, di ko gagawin. Magwawaldas ako ng ganyan kalaking pera para lang malaman ang oras?! Meron namang G-shock na 250 pesos lang =) Haller?! Para ka nang may bahay sa wrist mo!
Ang bitter ko ba? Ang isang dyosang galing sa third-world na bansang tulad ko e hindi lubos maisip kung bakit may mga ganyan kayamang tao, samantalang napakaraming tao (kasama na sa Japan) ang hindi nakakakain ng sapat. Kahit anong trabaho nila e hindi masuportahan ang pamilya. Nakakalungkot no? Hindi mo rin naman sila masisi dahil pingahirapan naman nila ang pera nila. Resulta naman daw iyon ng ilang taong pagtatrabaho at pagtitipid at pagtitiis. Wala ring karapatang magalit dahil hindi naman sila nandaya ng kapwa para makuha ang yaman nila. Iilan lang ba sa mayayamang mga Pinoy ang masasabi nating galing sa sarili nilang hirap ang yaman nila ngayon? Na wala silang nilinlang na tao para mapasa-kanila ang yaman na kanilang tinatamasa?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home