CLASS-CAPADES
mga nakakaloka, nakakatuwa, nakakatawa, nakakainis na happenings sa loob ng isang klasrum... ___________________
*** hindi ba napakalaking achievement para sa iasng teacher na isang klase mo ang naging tulay upang magkaroon ng isang bagong pag-iibigan? example, magkaklase sila ng isang sem tapos the next sem same language (japanese), same room (PH430), same teacher (ako yun!) higher level of learning, higher level of friendship... holding hands na silang pumapasok sa klase. ANG SWEET ba... (^___^)
____________________
*** sobrang friends ba ang mga students mo??? as in, pag nagkita-kita kailangang magbeso-beso??? KAHIT NASA KLASRUM NA NAGDIDISKAS KA NA??? at hindi lang isa ang ibebeso-beso... LAHAT!?!? windang. (halaw sa kwento ni ms. LT)
____________________
*** minsan, masaya mang-uto ng estudyante. pero minsan naiisahan din nila ang teacher... pakantahin ka ba naman. at ikaw naman, for the sake of learning, sing ang drama mo kahit alam mong wala ka sa tono at alam mong kung naririnig ka ng tatay mo, itinakwil ka na niya!
____________________
*** attached ba sa'yo ang klase mo? paano pag bigla na lang kailangang magpalit ng teacher in the middle of the sem? syempre, magpapaalam ka sa klase... kayanin mo kaya kung may umiyak??? bakit kaya umiyak yung student? ayaw niya ng changes? mataas ka magbigay ng grade? baka naman MAY GUSTO! UY, batang pag-ibig... <@_@> (chika ni mr. ER)
____________________
*** bumabagsak ba ang mga estudyante mo? para maiwasan ito, ikaw na mismo ang magsuggest ng make-up project. wag lang 4 or kwarto ha! pwede silang pakantahin sa klase... kung feeling old style na ito, pwedeng ipahalik sa bumabagsak na estudyante ang isa nyang kaklase, depende sa gusto ng teacher... sino kaya pwede? ang TOM CRUISE o DREW BARRYMORE ng klase? walang challenge. parang di pinaghirapan ang grade! baka matuwa pa yung iba at kusang ibagsak ang grades... dapat... yung... hindi maaatim ng sikmura nila :)
____________________
*** minsan sinesoryoso talaga ang pagiging pangalawang magulang ng mga guro... kahit ipautang mo yung sweldo mo para lang makapag-enroll ang isang deserving na mag-aaral... DAKILA KA! pero paano naman kung yung teacher ang mangutang sa estudyante??? dyahe di ba? oo nga't maliit ang sweldo ng teacher. pero naman hindi ganun kaliit no!?
___________________
(base sa totoong istorya, ngunit itago na lang natin ang pangalan ng aking mga sors)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home