Monday, March 20, 2006

Hisashiburi no Ii Tenki

Medyo matagal-tagal din nag-uulan dito, gloomy, walang sigla. Kaya naman kanina, sinamantala kong maglakad mula bahay hanggang school, 30 minutes din yun. Palagi na pala akong naglalakad, bilang exercise. Bitbit ang aking digicam, naisip kong pumasyal muna sa isang templong madadaanan ko. Namumulaklak na daw ng plum. At kahit hindi ako girly-girly, mahilig ako sa flower (so girly-girly nga ako?). At hindi naman ako nadisappoint sa pasyal ko na inabot ng isa't kalahating oras.

Hindi pa naman in full bloom pero marami na ring bulaklak. Kaya naman madami na ring mga Japanese na namamasyal at kumukuha ng pictures. Kokonti nga lang ang kabataan. Karamihan, mga nanay at tatay, at lolo at lola. Bihira na lang kaya ang nakaka-appreciate ng ganitong ganda ng buhay?

Buti na lang at sobrang maganda ang panahon. Ang sarap maglakad-lakad. Ang gaan-gaan ng feeling. Ang reklamo ko lang ay wala akong kasama kaya puro bulaklak ang pictures ko. Pero nakahanap pa rin ako ng paraan para maisama ang mukha ko kasama ng mga bulaklak.

Ang sarap ng pakiramdam. Lumabas ako ng temple na nakangiti. Mahirap iexplain. Pero sigurado ako naramdaman niyo na rin yung ganung feeling na magaan, masaya, at maganda ang mundo.

Eto ang ilan sa mga pictures na kinuha ko.

Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket

Madami pang pictures rito kung gusto niyong makita.

3 Comments:

At 3:48 PM, Blogger Wanderer Lady said...

ganda po ng pics! so pretty talaga. girly girly talaga ako. hehe. let me bat my eyelashes. hehe.

 
At 6:01 PM, Anonymous Anonymous said...

hi there! heard from ghee that you communicate regularly,hope we can meet up someday!

 
At 2:23 AM, Blogger  gmirage said...

hi there! blog hopping lang, Great sakura pics! they're my fave flowers, too bad,iisang puno lang ang meron malapit dito sa amin at winter ngayon hehe, thanks for posting, masaya na akong nakita kahit pic! =D

 

Post a Comment

<< Home