Sa gitna ng somewhere
Ang Mt. Hiei ang pinakamataas na bundok sa Kyoto. Yung kalahati nito. Ang kalahati ay nasa Shiga Prefecture, katabing probinsiya ng Kyoto. Nagdrive kami paakyat ng bundok, salamat sa host father ng isang kaibigan. Buti na lang at maaraw kaya kita ang Shiga at ang Biwa Lake. Yung kabila, Kyoto, medyo maulap. Tapos nagsnow pa kahit middle of March na.
SHIGA
Pag nasa gitna ka pala ng something, unang nararamdaman ang kalma. Kita mo kase ang both sides. Kita mo ang parehong maganda at pangit. Parang kaya mong kontrolin ang sitwasyon. Pero hindi rin madaling magdecide. Kasi mas madami kang kinokonsidera. Mas madami kang nakikita kaya mas madaming kailangang isa-alang-alang.Mas madali kayang ipaglaban ang isang side kapag walang alam sa kabilang side? Siguro, pero madaling mahanapan ng butas, ng kakulangan. Kapag alam mo naman ang dalawang side, kita mo ang lakas at hina, mahirap manindigan para sa isang side lang di ba? Kasi palagi mong irara-rationalize, titimbangin. Hanggang sa maisip mo na pinakamagandang puwesto sa gitna. Informed ka.
Pero pag informed ka na naman, hindi malayong maramdaman mong mas mataas ka sa ibang tao. Kasi feeling mo alam ang dalawang side. Madali mong mapintasan ang isang side, at madali mo ding mahanapan ng maganda ang isa.
Oops... Bakit ba dito napunta ang entry na ito? Gusto ko lang naman ishare ang pix na nasa gitna ng Kyoto at Shiga. Babalikan ko na lang ito.



2 Comments:
hahahahaha!!parang nakakarelate ako!
ganda ng view,Ria!!sarap pumunta sa Kyoto!!
ingat..
凄い景色ですね!滋賀県と京都府はほんまに綺麗だよな~。
Post a Comment
<< Home