Thursday, March 09, 2006

Huwag Manigarilyo

Grade 2 ako noon. Unang hithit ng sigarilyo. Pinabili ako sa tindahan, at ako na rin ang nagsindi. Naubo ako. Ang baho pa.

Highschool. Bumili ako ng isang stick ng hope. Eksperimento lang. Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay namin. Sinindihan ang stick. Ubo ulit. Tapos bigla ako tinawag sa baba para utusan. Naubos mag-isa ang sigarilyo.

College. Halos lahat yata dumadaan sa ganitong stage. Inaya ako ng blockmate. Tatlo kami. Iisang P.E. Habang binabaybay namin ang madamong daan papunta sa Vanguard. Sisindi muna kami. Share lang kami sa isang stick sa umpisa. Habang tumatagal, napapadami. Hindi naman kami naging adik sa usok. Paminsan-minsan lang naman. Pag nagkukwentuhan sa tambayan, kapag naglalakad sa sunken garden, kapag may fair o concert sa campus. Social smoker lang naman. Ni hindi ako bumibili ng sigarilyo ko. Hanggang hingi lang. Hithit-buga pa.

Nung dumating ako dito, smoker lahat ng kasama ko. Puno ng usok palagi ang karaoke box, ang baho ng damit namin pagkatapos mag-inuman o magsayawan. Hanggang hingi pa rin lang ako. Pero madami-dami na akong nahihingi.

Nagsi-uwian na yang mga kaibigan kong yan. At ang mga friends ko ngayon e clean living. Di na rin ako naninigarilyo. Hindi ko naman hinahanap. Alam ko naman na masama sa katawan, papangit, kukulubot ang balat, babaho hininga, pwedeng maging baog.

Kaya nabigla ako kagabi habang naglalakad pauwi kase hinanap ko. Wala akong kendi o tsokolate na pwede sanang pumalit sa urge. Una kong nakita ang vending machine ng sigarilyo.

Unang kahang binili ko. At huli.

3 Comments:

At 5:02 PM, Blogger Flex J! said...

Huwag manigarilyo!!!!I second the motion!!

Smoking burns quite a lot from anyone....

Musta na diosa??

 
At 10:09 PM, Blogger riadiosa said...

FJ, hellow! oks lang ako. =) may moments lang kaya napagtutuunan ang yosi. mawawala din ito.

 
At 3:46 PM, Blogger p.a. said...

naworry po ako noong nabasa ko ito. sana last na sigarilyo mo na yan. ako, kahit hindi naninigarilyo at ayaw manigarilyo, kahit naiirita sa kanya, minsan kapag nakaamoy na ako, unconsciously kung inaamoy pa rin. dahil sa mga bars dito at hindi ilegal ang manigarilyo sa public places. nakaka-adik talaga sya. sana lumipas na ang urge. gusto mo swiss chocolate?

 

Post a Comment

<< Home