Friday, October 08, 2004

I am in Japan

Hi! ang tsaka ng title ko.�@pagpasensyahan nyo na...
its my second day as a nobody here. as in nobody dahil wala pa akong alien registration, o school i.d., kahit yung temporary man lang. kaya di rin ako makapagbukas ng bank account at makabili ng cellphone. umaasa ako sa senpai ko. buti na lang same course kami at same org pa... alagang-alaga... :)
napaka-uneventful ng flight ko. manaka-nakang turbulence lang. okey din ang food. chicken. tsalap, tsalap. ang boring ng katabi ko. di ko man lang nakausap. hihiraman ko sana ng tagalog pocketbook kaso tinulugan naman ako.... nagtiyaga na lang akong basahin yung travel guide nila tsaka yung listahan ng mga pasalubong.
pagdating ko naman sa kansai airport, may taxi nang naghihintay sa akin. hinatid na ako sa place ni master beth. at sa kanya ako nakatira ngayon at hanggang sa makakuha ako ng apartment.
kahapon, pumunta na ako dito sa skul (Ritsumeikan University) para sa sangkatutak na pirmahan. tapos na-meet ko na ang dean ng department na magho-host sa akin. i`ll be under the department of language education and information science. sounds very academic no?! pero ang adviser ko na syang tutulong sa aking buhay bilang research student ay hindi pa nagpapakita. okey lang... masarap naman maging BUM! :)
pag-uwi ko kahapon, naligaw ako. sabi ko na kase eh, may mangyayaring ganito. isang oras akong naglalakad. tinandaan ko naman yung way pauwi kaso maling gate ang nilabasan ko dito sa skul kaya nagtuloy-tuloy na... buti na lang, may nakita akong police station. mega-tanong naman ako. malapit naman pala eh!
buti na lang di ako umabot sa next province :)

2 Comments:

At 1:35 AM, Blogger Anj said...

wow sensei ria, nasa japan ka! Inggit ako! Ako nag-aapply as exchange student sa kokugakuin University pero natatakot akong hindi matanggap kasi isang taon palang kami sa Canada, baka hindi ako palabasin. Ayun, hindi ko ko pa pinapasa sa office yung application form. hehehe. ingat ka diyan! :)

Angela
http://www.monochromecrystals.net

 
At 12:38 PM, Anonymous Anonymous said...

RIA!!
Nasa japan ka na pala ha :) hayup sa experience yan! living alone, exploring, different language, im sure you would really treasure the experience :) ishare mo ang latest gadgets, makeups and choo choo dyan ha :) ingat ka and have fun there! wag mo kalimutan dito :)

aggie.
aggietha.tk

 

Post a Comment

<< Home