MAGANG PUWET AT PUNONG PANTOG
Bihira na akong magbyahe mula balara hanggang quirino hi-way. bakit? sobrang haba kase kaya nasasayangan ako sa oras. kahit na kalahati ang natitipid ko sa pamasahe iniiwasan kong bumyahe dun.
pero kanina, kumain kami sa mang jimmy's sa balara. naturalmente na dun na ako sasakay. okey naman ang byahe. hanggang sa marating namin yung philand. mula dun hanggang tandang sora palengke, limang minuto lang ang tinatakbo ng dyip, normally. kanina, hanggang palengke 30 minutes! sobrang traffic. wala namang nasiraan, wala namang taong nagsisitawiran. masikip lang siguro ang daan dun at marami pa yung sasakyan na dumadaan dun.
yung driver naman namin, hindi marunong dumiskarte. lahat na ng dyip sa likuran namin, na-overtake-an na kami. yung dyip lang na sinasakyan namin ang naiwan sa linya. sa kauusad-pagong namin, nalagpasan din namin yung traffic dun.
sumunod na balakid para makauwi ako agad ay dito sa papasok ng NIA-NPC na jip. dalawang lane lang kase, pero sangkatutak ang mga tricylce at kotse na kumakaliwa. may katapat pa itong gasoline station. at dito ang shortcut ng mga dyip para malagpasan yung likuan.ang driver namin, mukhang bangag. inaantok. wala sa sarili. sumiksik pa sa makipot na daan. tapos, na-stuck kami dun... 20 minutes!!! dadaanan lang dapat yun.
may traffic aide at di nya pinapalusot yung mga nag-cut. bilib din ako kase kahit masasama na sa kanya yung titig ng mga drivers, may paninidigan siya. nakipagtalo pa sa isang driver. pumwesto kase talaga yung aide sa harap ng dyip kaya hindi makausad yung driver... nakakatakot din dahil nagsisigawan na sila... yung mga pasahero, nagsibabaan... hindi ko na nalaman kung anong nangyari dahil nakasiksik din kami sa main flow ng traffic... tuluy-tuloy na ang takbo namin. bangag nga yung driver, diretso lang ang takbo, kahit may butas na, walang iwas... nakakaidlip pa yung driver. alam ko dahil nasa likod nya mismo ako! sarap batukan para manatiling gising...
sa haba ng byahe, halos isang oras, syempre tagtag ang katawan. nagkapasa na yata ako sa pwet e. at dahil sa inuubo ako, panay ang inonm ko sa byahe. naipon sa pantog... dumiretso ako sa cr namin pagka-uwi... never na talaga akong babyahe sa rutang iyon.

1 Comments:
can relate ako sa kwento/reklamo mo tungkol sa t.sora ave na yan. hay ang sikip2 kasi. di ko na mabilang kung gano kadaming beses ko sinisi ang mga nag-plano ng daang yan. kanina lang dumaan ako at may hinuhukay na naman, sa mismong kanto pa. nde na naubusan ng ginagawa dun. kaya nde ko rin tlga dinadaanan ang route na yun kahit nung college, bihirang-bihira lang. o sha, kita tayo sa 3rd week of sept. :)
Post a Comment
<< Home