Monday, September 06, 2004

Pagsalubong sa panahon ng Pasko

Natapos na ang unang linggo ng September. Yes, simula na ng mahabang christmas season ng mga Pinoy. Dapat amoy mo na ang pasko. Nararamdaman mo na ba ito? Ewan ko, pero mahirap maramdaman ang diwa ng pasko kapag ang mga nababasa mo sa dyaryo at napapakinggan sa tv ay puro hindi magagandang balita. Balikan natin ang ilan...

1) Natalo ang UP sa La Salle. Sayang, ang dami pa namang ginanahang manood dahil hindi naman nangyayari ang ganito. Anim na sunod-sunod na panalo... Hindi na masama. Ganyan lang talaga. UP fight! :)

2) Tatay nagtangakang magpakamatay, anak dinamay (wow rhyme!). Ngayon, humihinga ang lintik na ama na yan. At yung bata, kasama na ni Lord. Kawawa naman yung nanay na buntis pa ngayon. Sinong sisihin mo? Ang gobyerno? Ang lipunan? Ako, ang tatay... Wala siyang karapatang maging ama!

3) Hostage crisis sa Russia. Sa 18 na hostage takers, lima ang napatay at nakatakas ang 13! Paano na kaya makakarecover ang mga batang naka-experience nito? Paano na ang mga magulang na nawalan ng anak? Bakit nagkakaganito ang mga tao?

4) Kinakalaban ang desisyon ng SM management na wag ng magpalabas ng bold films/rated r-18. May feature pa ito sa DEBATE. Kawawa naman daw ang mga sexy stars, ang industriya ng pelikula, chuchuchu... Kung ayaw ng may-ari, e di wag. Kung may magandang film na sexy ang theme, panoorin sa ibang cinema. Hindi lang naman SM ang nanjan.

5) Patuloy na pagtaas ng gasolina. Ang LPG, sobrang mahal na. Sabi nga ng nanay ko, bili na lang kami ng lutuan na gamit ang kahoy para walang malaking gastos.

6) Mahihirapan ang mga magsasaka na makabangon sa perwisyong dala ng nakaraang malakas na pag-ulan. Lugi na naman ang mga taong nagsusupply sa lipunan ng pagkain. Taasan na naman ng presyo nyan!

7) Ang walang katapusang balita tungkol sa ating fiscal crisis.
a. Religious groups, pagbayarin ng tax. Sana yung mga business ventures o mga
nagproprofit na gawain ng mga religious groups. Tulad ng DLSU, Ateneo,
UST, New Era. Nung minsang nadaan ako sa bandang Maynila, nakita ko
yung St. Thomas Square. Hindi pa tapos yun noon. Magbabayad kaya sila ng
tax?
b. Pisong donasyon ng bawat Pinoy para sa naghihingalong kaban ng bayan.
Payag ang working class. Pero paano na yung mga pamilyang 24 pesos lang
ang kailangan sa isang araw para mabuhay? kaya pa kaya nilang magbigay?
c. Isang buwang sweldong donasyon ng mga pulis. Babawiin kaya nila ito sa
kotong? Sa lagay?
d. Isang buwang sweldong donasyon ng mga mambabatas. Pataasan ito ng ihi!
35,000 lang ito sa pagkakaalam ko. Mani ito dahil nandyan ang pork.
e. Mas mataas ang ihi ng iba. Si JDV isang milyong donasyon. Ini-encourage din
niya ang ibang mayayaman pamilya, mga negosyante na magdonate. Yes,
magdodonate sila samantalang kung magbabayad lamang sila ng tamang
buwis, hindi dapat ganito kahirap ang Pilipinas.

May good news ba akong nabasa o nabalitaan? Kung meron man, malamang natabunan ito ng bad news. What a way to start the christmas season. Tuyong Pasko na naman kaya ang naghihintay sa ating mga Pilipino?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home