Sarap gayahin!
Kanina, bago kami umuwi ni tets, dumaan muna kami sa national bookstore para mamili ng kanyang mga karton at papel na gagamitin sa kanyang mga ipapasang plato. Mejo nagtagal din kaming nagtingin ng mga bibilhin nya. mapili kase. Pinipili yung mura na maganda!
Syempre, gusto naming makauwi agad kaya pinili naming pilahang cashier e yung konti lang ang tao. Doon sa pinuntahan naming cashier, mayroon lang naghihintay pa na isang customer para magbayad. On the process yung isa. Doon na kami pumwesto. Pagkapila namin, nakita namin na mejo maraming binili. 10 reams ata ng bond paper. Well, makakapaghintay naman kami...
Yung una sa amin na customer, iilang papel lang yung binili.
Buti na lang dito kami pumila.
Pero, ang hindi namin nakita eh yung hindi pa napunch na folder. Binibilang pa kase. Ilan? 60 pieces.
Ok lang, di ba? :)
Sandaling bilangan lang iyon. 60 pieces na folder.
Ok na sana...
Akalain ba naman naming 5 kulay yung binibili nya!!! May yellow, violet, red, blue, green at brown.
Mega-bilang ang nasa counter. 2 beses binilang bawat isang kulay, para nga naman sigurado! Natapos ang tatlong kanta, natapos din magbilang. Kung ang isang kanta ay tatlong minuto, 9 minutes ang ginugol nila para magbilang ng folder.
Pinakita na yung total bill. 3479.25.
Bunot ng wallet. Naglabas ng pera.
Hugot ng plastic, nandun yung barya. Tig-lilimang piso! Bilangan na naman kami. Tinawag na nung cashier yung isang empleyado para tulungan silang magbilang... Sakto yung bayad. 3479.25!!!
Hindi naman naming magawang magalit o mairita. Ganoon kadami lang siguro yung kailangan niyang gamit... After apat na kanta, kami na.
Napatingin ako sa likod.
Di ko na napigilang tumawa.
Yung kasunod namin, dalawang id holder lang ang hawak. Tinanong ko tuloy.
AKO: (habang humahagikgik) "Yan lang ang binili mo?"
"CUSTOMER: (napangiwi) "Oo, hassle nga e..."
Sabay labas ng tatlong limang piso!!!
Kawawa naman sya...
Okay na trip ito...
Sana magawa ko minsan...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home