BED WEATHER
Pag ganito talagang umuulan, nakakatamad... dalawang araw ng walang pasok. two years ago, masaya pa ako. pero di ko akalaing mafifeel ko ito... ang inis pag walang pasok... nakakasira ng skedyul!!! ang hirap yatang maghabol ng lesson... two years ago, keber ako sa ganito... NYEE! TUMATANDA NA AKO!!!
imbes na maraming magawa dahil nandito lang sa bahay, kabaligtaran pa... sa dalawang araw na walang pasok, wala rin akong nagawa. tambak ang papers, ang exam na gagawin, mga activities na ipapagawa sa students pero mas pinili ko pa ring hindi humiwalay sa higaan. agawan na nga kami sa sofa ng mga kapatid ko. kapag tumayo lang sandali para mag-CR wala ng hihigaan. ayaw namang umakyat ng mga tao sa taas, baka kase biglang liparin yung yero namin! tsaka wala kaming tv sa itaas.
ano nga ba ang masarap gawin pag ganitong malakas ang hangin, umuulan at bumabaha???
* matulog (masarap magtalukbong dahil medyo malamig)
* uminom ng kape
* linisin ang mga kuko sa kamay at paa
* mag-ayos ng damit o libro o ng mga kapapelan na nakakalat sa inyong bahay
* tumutok sa tv. masusubaybayan mo kung ano ang nangyayari sa mga palabas sa channel 7. halimbawa, sa DAISY SIETE, malalaman mo na kahit may bagong boyfriend na si jopay (si diego castro na talo sa 30 days) pinipilit niya baguhin yung character at itutulad sa ex niya. sa IKAW SA PUSO, aaminin na ni rita avila kay lotlot (na nabulag) na anak niyang totoo si nadine. sa JOYRIDE naman, very informative ang nakuha ko dito. bawal pala sa chinese ang magsuot ng itim kapag mamamanhikan na ang pamilya ng lalaki. tapos dapat may dalawang cake na may pangalan nung dalawang i-eengage. at bawal itong kainin dahil iuuwi pa ito sa kani-kanilang bahay saka ibabalik. totoo kaya ito? sa chinovelang TWIN SISTERS, magkalit ang dalawang bida. hindi ko na pinanood kase napagod na utak ko :)
* magbasa ng libro. kahit nabasa na ang harry potter 5 ng apat na beses... pero kahit ano libre ko siguro, di ko pa babasahin yung THE MINIMALIST PROGRAM ni NOAM CHOMSKY...
* asarin ang mga kapatid
* kausapin ang mga magulang at mamangha sa hirap ng buhay ngayon
* panoorin sa may bintana ang basura na tinatangay ng tubig
* sayangin ang oras sa pag-iisip ng mga bagay na DAPAT gawin. gawan ito ng listahan at itago. kapag napagod, matulog na lang ulit :)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home