Kobe Luminarie
Ang luminarie ay galing sa Italian na ang ibig sabihin ay electric ornament. Ang Kobe naman ay isang city sa Hyogo prefecture dito sa Japan. Noong Jan 1995, nagkaroon ng malaking earthquake dito sa lugar na ito pati sa Osaka at Awaji.
Sobrang laki ng damage. 5000 na tao ang namatay. And to think na alam ng mga Hapon na prone sila sa earthquakes kaya sa mga buildings na tinatayo nila, kailangang iwas-collapse. Pero siyempre, hindi natin alam kung kelan dadating ang isang disaster. Maraming nawalan ng bahay. Walang kuryente. Walang gas. At winter season pa noon. Parang walang pag-asa. After one year, naisipan nilang magkaroon ng isang activity para i-reminisce ang lindol at bigyan ng hope ang mga taong naapektuhan nito. Hanggang sa maging isang yearly activity nga ito at naging popular sa buong Japan at naging tourist attraction na nga ang Kobe Luminarie. Ayan ang history niyan.
Kaya naman nung araw ng pasko, dyan namin naisipang pumunta.

Pero kung iisipin ang rason sa likod ng pagkakaroon ng ganitong activity, hindi ko maiwasan ang mabilib talaga sa Hapon. Kung pupunta ka ngayon sa parang walang nangyari. Patuloy ang pag-unlad ng Kobe. Sabihin mo ng sampung taon na ang nakaraan... Kaya talaga nilang bumangon pagkatapos ng isang krisis. Siyempre sa tulong na rin ng ibang bansa...
************************************
Naisip ko tuloy yung mga naapektuhan nitong tsunami. Sana makabangon din sila...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home