Dear Mr. DJ...
Kagabi bago ako matulog, napag-isipan kong basahin ang isang libro na binili ko for my MA class (sit-in lang ako). Habang binabasa ko iyon, nakikinig ako ng radio. Kalahati ng atensyon ko sa radio, kalahati sa libro. Alas dose na ng gabi. Tahimik. Love songs ang pinapatugtog. Biglang nagsalita ang DJ.
May nagsend ng love letter.
Binasa niya. In Japanese yung letter.
Naalala ko si Joe d Mango at Dr. Love. Malalim na boses, soothing.
Kinukuwento ng sender yung kaklase nya na nagagandahan siya. Elementary student lang ang sender. Kung ano ang mga napapansin ng sender dun sa maganda niyang kaklase. Kahit hindi siya pinapansin nito, aware ang sender natin sa existence ng girl. At para lalong ma-feel ang sentiments ng sender, nagplay ng music ang DJ. Maganda na sana.
Maganda yung kanta. Pero hindi akma sa mood.
Nabasag yung atmosphere!
Mula sa mababa at malamig na boses ng DJ, bigla kong narinig ang nakakaindayog na tugtog ng Pretty Woman. Ano daw???!!! HUWAT??? Saan nanggaling yun?! Wala na bang ibang kanta? Naloka talaga ako. :) Si Mr. DJ hindi marunong mamili ng songs. Hehehehe

1 Comments:
naku, labs. aminin na lang natin na jologs ang taste ng mga Hapon. :p
Post a Comment
<< Home