Wednesday, December 01, 2004

Motto simula ngayon

Tama na ang papetiks-petiks. December na! Malapit na ang Pasko. Malapit nang mag-goodbye ang 2004. Kailangan ng magbanat ng buto. Tiisin ang lamig... Bumangon ng maaga para maraming ma-accomplish. Mahirap na ang mapag-iwanan...
Tamang-tama na binabasa ko yung isang newsletter na nakuha ko sa simbahan. May section dun na nagdedescribe ng mga sayings sa Japanese. At itong nakita ang siyang magiging motto ko simula ngayon...

"Anzuru yori umu ga yasushi". Siyempre, i-eexplain ko yan. Literally translated as "It`s easier to make it than thinking about it"(hindi ko ito translation). So imbes na maubos ang oras ko at mapagod ako sa kakaisip kung paano gagawin ang mga bagay-bagay, kailangang UMAKSYON na lang ako agad! Akmang-akma sa akin. Dahil tuwing umuuwi ako sa bahay ko, marami akong naiisip na ideas para sa aking research dito. Pero hanggang dun lang ako. Nalulunod na nga ako sa mga ideas! Kaya kailangang magsulat! Kahit ano, kahit paunti-unti...


Naks parang totoo!!! (^.^)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home