Monday, December 20, 2004

Paskong Pinoy

Kahapon, pagkatapos naming umattend ng misa nagkaroon ng christmas party ang filipino community sa area na yun. Kahapon ko lang nakitang puno ang simbahan sa mahigit dalawang buwang kong pagsisimba. Mahal na mahal talaga nating mga pinoy ang christmas season. Kakaiba lang kasi dun sa communion, may nagsolo, dalawa pa. Okay naman yung isang half-pinoy half japanese, kanta ng christamas song (umiyak nga ako e). Natapos na ang communion, humirit pa ang isang pinay. Feeling nag-concert ang lola! Talagang bumibirit. Sabi nga nung isang pari, feeling niya may performance sa simbahan. Muntik na nga daw siya pumalakpak after ng song. Nakakawala ng concentration sa misa. Isa pa palang kakaiba dito e masaya ang version nila ng kordero ng Diyos. May kasamang palakpak pa! May nakikita pa nga akong kumikembot...
Eniweys, after ng misa, may christmas party nga. Daming food! Potluck! Ilang klaseng pansit. Ilang klaseng luto ng manok. Siyempre, inuna ang mga bisita (yung hindi pinoy) except sa Consul. Andun pala sila, special participation. After ng kainan, may program pa! The usual games and song and dance number. Medyo late nga lang ang start nung program dahil after makakain ng lahat, dami pa din tira kaya naman nagbalot muna ang mga pinoy! Biglang naglabasan ng mga baonan, plastik, o kahit anong pwedeng gamiting para makapagbalot! Pinoy na pinoy!
Dun naman sa program, ang cute ng mga anak-anak ng mga pinoy na nagprepare ng mga presentations. Mula mga kinder na bata hanggang sa highschool. Ang kyut-kyut talaga...
Buti na lang, kahit saan ka magpunta sa mundo, may pinoy. At pag may pinoy, kahit malayo ka sa totoo mong family siguradong mafi-feel mo yung love at warmth.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home