Monday, November 22, 2004

Gusto mo bang pumayat?

Para sa mga katulad kong maganda pero medyo heavy-built (i.e. puno ng taba sa katawan) meron akong napanood minsan na isang way para magpapayat. Hindi na kailangan ng malalaking equipments, diet, etc. Walang gastos. Sa bahay lang pwede nang gawin... Hindi makakabala sa inyong daily routine. Tingnan nyo lang ang pix sa ibaba.



Kita nyo ba yung pulang mark na bilog? Hindi yan mantsa sa short gawa ng regla ha. Isipin nyo na yang pulang bagay na iyan ay isang bola. True, bola ang kailangan niyo para magtagumpay sa pagpapayat. Piliin ang bola na 20cm in diameter. Maliit lang. Bawal gamitin ang bola ng basketball, soccer, volleyball, tennis o golf. Malalaman nyo rin mamaya kung bakit. Pwedeng kasing laki ng table tennis na bola pero bawal mismo yun. Kasi napipipit. Yung pang-jackstone, perfect!


Ganito ang gagawin nyo. Pag nakakuha na kayo ng bola, iiipit nyo ito sa pagitan ng dalawang pisngi ng inyong kyut na pwet. Parang yang nasa taas. Dahil iiipit nyo hindi dapat makikita. Kaya imposibleng gamitin ang malalaking bola! Kahit may malaki kayong pwet gaya ni J.Lo...

(Yung tamang feeling ng pag-ipit ay parang sa pag-tae. Yung feeling na kailangan nyo nang putulin yung haba ng jebs nyo dahil baka mag-clog na yung inidoro.)

Totoo ito ha. May scientific analysis yan. Sa pag-ipit ng bola sa pwet, yung muscles mo sa pwet ang gumagana. At hindi lang yun, kung tama yung pag-ipit nyo, pati yung parte ng tyan, nakaipit din. At hindi lang yan, pati yung sa may thighs, gumagana ang muscles.

Effective din siya. Pramis, walang lokohan!!! Dun nga sa napanood ko, one week lang nilang ginawa (10 minutes everyday) lumiit na ang tiyan, hip, thighs, at gumanda pa ang porma ng pwet! At para ma-engganyo talaga kayo ang pinaka-malaking ibinawas ng waist ng isang participant ay 7cm! Isang linggong walang hirap!!!

Yung feeling lang na palagi kang natatae! Go on! Try it! v (^_^) v

3 Comments:

At 9:44 PM, Blogger Ring said...

hahaha! tunay ba 'to?

 
At 11:40 AM, Anonymous Anonymous said...

ring, totoo yan :). hindi mo naman kailangang magpapayat no! :) -- diosa

 
At 11:10 AM, Anonymous Anonymous said...

sensei natatawa ako sa entry na ito. ako din, maganda (naku, kumidlat) pero majuba. susubukan ko ba to? mahal kasi ang herbalife eh, kahit yun lang ang nakakapagpapayat saken. hehe.

angela

 

Post a Comment

<< Home