/l/ at /r/
Ang bawat tunog ay may kanya-kanyang characteristic upang i-distinguish ang bawat isa. Halimbawa, ang mga tunog na /p/ at /b/ ay magkapareho maliban sa isang feature. Pareho ng paraan ng pagbigkas, stop-iniipon muna ang hangin bagi ito i-release (parang utot). Pareho ang ginagamit sa pagbigkas-- ang dalawang labi. Nagkaiba sila dahil ang /p/ ay binibigkas ng hindi gumagalaw ang lugar banda sa adam`s apple (pati sa babae), samantalang ang /b/ may gumagalaw. (Hawakan ang adam`s apple at bigkasin ang dalawang tunog na ito. Mararamdaman niyo ang pagkakaiba.) Naramdaman niyo ba?
Hindi lahat ng mga wika ay pareho ng phonological system (mga ginagamit na tunog). Siyempre, ibang ang phonological system ng English sa Tagalog; iba din ang sa Tagalog at Japanese; at iba pa rin ang Ilokano sa Gaddang.
Siguro narinig niyo na yung joke na ang mga Kapampangan, nilalagyan ng /h/ ang mga tunog na wala namang /h/ at hindi binibigkas ang /h/ kahit dapat.
...hano daw? hewan ko! indi ko alam...
Pati mga Tagalog, hirap sa /p/ at /f/ at /v/ at /b/.
...ako fo ay isang finoy filosofer...
...vulneravol ka va?...
Sa phonological system nating mga Pinoy, mayroon tayong /l/ at /r/ gaya ng sa English. Pero kung makakakita kayo ng alibata system, noong unang panahon hindi present ang dalawang tunog na ito. Isa lang sa kanila. Dahil lang sa exposure natin sa wikang Kastila at Ingles nag-evolve ang ating phonological system para i-accommodate ang /l/ at /r/.
Actually, ang kasalukuyang /r/ ay may iba`t-ibang tunog: mayroon yung /r/ na katulad ng pagbigkas sa radyo; mayroon ding parang /r/ ng Kastila, iyong trilled parang aso. At ang pinaka-in (?) ay yung /r/ na naririnig ko madalas sa kapag pumapara ang mga kabataan sa jeep. Medyo malambing na /r/.
Pero ang wikang Hapon, iisang character lang ang nagri-represent ng tunog na /l/ at /r/. Kaya conscious yang mga yan sa pagbigkas ng dalawang magka-ibang tunog na ito. Hirap silang sabihin ng tama ang pangalan ko. Tatlong letra na lang yan ha! Kailangang marinig ko talaga na R-I-A ang bigkas nila at hindi L-I-A (pero cute din naman). Ang nangyayari tuloy, yung mga /l/ na tunog, napapalitan nila ng /r/ at yung /r/ ginagawa nilang /l/. Dahil yan sa pagiging hypercorrective nila.
Tingnan sa ibaba ang mga halimbawa at hulaan niyo na lang ang gusto nilang sabihin:
clam school - school ng mga kabibe?
waitless - walang hintayan?
waitlesses - plural ng waitless?
saraly - yung company na nagtitinda ng women`s stuff?
probrem?
lestaulant?
misselable?
lesession?
tutol - against? nakapasok na ba itong Tagalog word sa English vocab?
grad- graduate?
vely- tiyan?
Dahil aral tayong mga Pinoy sa English, hangga`t maaari perfect dapat ang pronunciation natin ng mga English sounds. Ganoon din naman ang mga Japanese. Pero minsan hindi talaga maiiwasang magkamali. Natural naman yun. Hindi lang talaga nating maiwasang matawa kapag may naririnig tayong ibang paraan ng pagbigkas sa mga salita. Tao lang...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home