Ang aking unang pag-iyak
Two weeks ago lumipat na ako sa aking sariling bahay. Simula ng dumating ako dito, nakitira na ako kay ate beth. Dumating na ang kanyang boyfriend kaya naman, kinailangan ko ng umalis. Ayaw ko namang maging isang MH (malaking hadlang)!!! Kaya kahit wala pang kahit ano sa aking bahay, doon na ako natulog. Napakatahimik... Walang kahit anong tunog... Wala akong maka-usap. Kaya naman palagi rin akong nasa school para naman hindi ako maloka sa aking kuwarto. Nung minsang umuwi ako sa bahay galing school, naisip ko na naman na wala akong gagawin kundi titigan ang mga dingding. Pagpasok ko pa lang sa kuwarto ko, naramdaman ko na yung feeling na mag-isa ako.
Lungkot talaga...
Alone and lonely...
Pero pinigilan kong tumulo ang aking luha.
At nagtagumpay ako...
Walang maalat na tubig na tumulo mula sa aking mga mapupungay na mata.
Matanda na ako. Kaya ko ito!!!
--------------------------------------
Nung isang gabi, habang nakahiga sa aking futon, nanonood ako ng drama. Ang bida ay yung bida sa GTO (Great Teacher Onizuka) na drama. Isa uli siyang teacher sa isang elementary school. Mayroon siyang 5-year old na anak na doon din nag-aaral. Si Nanami. Sa episode na iyon, magtatransfer ng school ang best friend ni Nanami, si Ichigo, dahil magdi-divorce ang parents ni Ichigo at uuwi ang nanay nito sa probinsya nila. Kaya kailangang maghiwalay ang dalawang bata.
Paano mo ipapaliwanag sa dalawang limang taong gulang na bata na hindi na sila magkikita ulit???
Napakasakit, kuya eddie!
Bilang remembrance pumunta yung dalawang bata sa beach at nagpakasaya.
Kodakan forever...
At nung last day ni Ichigo, nung ibibigay na ni Nanami ang pictures nilang dalawa sa beach, hindi ko na kinaya...
Umagos talaga ang aking luha!!! ]
WWWAAAHHH!!!
Drama lang pala ang magpapaiyak sa akin...

2 Comments:
hi ria! musta ka na jan? i hope ok ka lang kahit nalulungkot. masasanay ka din! sulat lang sa blog ang katapat nyan! lookin forward to more of ur stories in japan. ingat kaw palagi! :D God bless.
Ria! :) Lupit mo talaga!! Mahirap talaga yan sa umpisa pero masasanay ka din :) Lalo ka pang magiging diosa pagtapos nyan :) Hope all is well, amg ipon para may laptop na at webcam at internet galore :))
~ Aggie.
aggiedil.blogdrive.com
Post a Comment
<< Home