Thursday, April 27, 2006

tulog muna ako
at sa paggising,
bagong bahay.

Tuesday, April 11, 2006

The New Acad Year

I had a blast from our Hanami-BBQ party last Sunday. There were about 20 of us, 3 were Japanese friends and the rest were proud pinoys and pinays. We feasted on terrific food, welcomed new students, enjoyed the cherry blossoms, said goodbye to vacation, while celebrating the beautiful spring season. Here is a nice picture of us under a cherry blossom tree.

Image hosting by Photobucket

Happy times are gone. I now say hello again to studies, which is a different kind of fun. Second year of grad school. I won't be taking so much classes like I did the last time. I've almost completed my course work and it's now time to concentrate on my thesis. I have nine months to finish that. No worries yet, I guess.

Since my acad load will be lighter, I will have little projects to keep me busy. Two new temporary blogs, one for Filipino students here in Kyoto, and the other about Philippine languages, which will be co-managed by linguist-in-waiting. I also plan to collect some materials to be used as exercises for Japanese language classes in our department back home. And I will work onto something publishable in a journal this sem. I hope I can see my name in print before the year ends. Or better yet, before the fall sem starts.

Yes! I have objectives. Now, I only have to take action. And I will.

Thursday, April 06, 2006

Nasaan na yung dalawang buwan???

Pasukan na naman bukas. Natapos din ang bakasyon. Hindi ko naenjoy ng buo. Bakit? Kasi nung February, buong buwan akong giniginaw. Sino ba naman ang sisipagin na maglakwatsa kapag sumasakit ang ilong at ulo at ngipin dahil sa lamig? At nung March naman, ang pangit ng weather. Malamig pa rin, nagsnow pa, tapos umulan-ulan pa. Konti lang yung lakwatsa ko. Pero ok na rin, kasi konti din lang ang gastos.

Last day ng March, nagtrain ride kami mula Kyoto hanggang Hiroshima. Alas-sais ng umaga nasa loob na kami ng train. Sa loob na rin kami naglunch, sandwich lang naman. Almost 6 hours para pumunta sa Hiroshima. Nagtitipid kasi kami kaya dehins kami nagbullet train. Limang oras lang kaming namasyal sa Hiroshima. (Saka na lang ang pictures dahil nasa ibang camera.) Bago mag-five thirty nasa train na naman kami. Nagdinner kami ulit sa loob ng train, kumpletong meal. Tapos, bumili ng alcoholic drinks at nag-inuman kami sa train. Bagong experience na naman. Hanggang tingin lang ang mga ibang pasahero sa amin kasi wala kaming pakialam basta lumalaklak kami.

At bukas, resume na naman ang estudyante blues ko. May apat na units pa akong natitira. Dalawang subjects para sa thesis. Parang tinatamad na akong kumuha ng extra subjects. Kailangan ko lang magsipag talaga para makagawa ng papel at ng makapagbasa naman ako sa conference habang nandito.

Pero bago ang lahat, tatapusin ko muna ang KareKano anime series.

Wednesday, April 05, 2006

Malinaw na...

...ngayon kung bakit ako tumataba.

Image hosting by Photobucket

Yung panghigop pa lang ng sabaw ng ramen e, GIGANTIC na! Mayaman pa ang ramen na iyan sa karne, limang hiwa, hindi katulad ng sa iba na isang lang.

Kung ipagpapatuloy ko ang pagkain ng ganyan kadaming amount ng food every meal, baka hindi na ako kayanin ng bisikleta ko.

At baka magkasakit pa ako dahil sa mantika at alat.

Ok lang siguro. At least hindi ako matitigok nang gutom.