Wednesday, November 30, 2005

Happy Meal

Ang sarap ng breakfast ko kanina: spaghetti (tira sa isang gathering sa church nung Sunday), spam (mula sa isang paring pinoy na pumunta ng Okinawa), at pandesal (galing pa sa pinas courtesy of a mama-san)!

Walang pandesal dito. Kaya naman, kahit hindi na fresh form the oven (fresh from the toaster) e sarap na sarap pa rin akong nag-agahan kanina. At mas happy pa kase galing sa iba't-ibang tao yung ginigiling ng aking intestines.

Walang kwentang entry. Sorry. Busy lang sa school work. At iba pang works.

Kahapon pumunta ako (with my karaoke partner) sa isang temple. May dala akong camera pero cheapipay kaya hindi ko nagamit. Pag sinend na sa akin ang pictures, makikita niyo na naman ang feys ko (na tadtad ng MALALAKING tigyawat).

Magblog-hop muna ako.

Friday, November 25, 2005

I hate myself

Kasasabi ko lang na busy ako pero blog pa rin ang inaatupag ko. Babatukan ko na talaga sarili ko e.

In fairview to me, naipasa ko na naman ang paper na dapat kong ipasa ngayon. Nagawa ko na rin yung assignment ko para sa klase ko mamaya. Pero, sa totoo lang hindi ako masaya.

Hindi ako satisfied sa nagawa kong papel. Tinapos ko siya, para umabot sa deadline. Ako na lang yata ang kilala kong gumagawa ng isang bagay para lang may magawa. Wala akong sense of pride. I mean, hindi ko kayang maipagmalaki yung mga ginagawa ko ngayong mga papel. My gulay, nasa graduate program na ako, pero ang attitude ko e pang-highschool pa rin. Eh dapat lahat ng nasusulat ko e publishable material na. Eh mahihiya nga akong ipabasa yung papel sa aking kapatid, magfi-feeling pa ako na pwedeng i-publish.

Pinipilit ko lang ba ang sarili ko na maging academic person? Dapat yata hindi ko na ginagawa itong ginagawa ko ngayon at nagko-concencentrate na lang ako sa mga non-academic stuff.

Baka ilusyon ko lang na kaya kong maging doktor balang-araw; na balang-araw magkakaroon ako ng sariling school; na balang-araw uupo ako sa isang posisyon sa DepEd (syempre as secretary); na balang-araw magiging chairman ako ng mahal kong departamento.

Kung magpapatuloy ako sa gawa ko ngayon, baka hindi na dumating yang balang-araw na iyan.

Thursday, November 24, 2005

Busy ang Dyosa

Wala na akong maraming oras para gumimik. O kaya magbabad sa harap ng computer na nakikitsismis lang sa buhay ng may buhay sa pagbabasa ng mga blog nila. Nauubos ang araw ko sa kaka-attend ng class, kaka-check ng papers, kakagawa ng mga papel (may ipapasa ako bukas) at iba pang puro academic stuff. Why oh why?!?!

Estudyante nga pala ako dito. f(^_^);

Nangalahati na kami sa sem. Mali pala. Isang buwan na lang ang pasukan. At tambak na ako ng mga presentations at reports. Yung mukha ko butas-butas na. Tinitigyawat kase ako. Hindi sa mani kundi sa puyat. Bakit kase ako kumuha ng siyam na subjects? NakanamP naman kase ako.

Ano na bang nangyayari sa mga layf natin?

----

Sa sobrang dami kong iniisip, nakalimutan ko na birthday pala ng aking sisterette. Kung hindi pa nag-email si bunso na sinasabing "nakalimutan mo ba ang okasyon ngayon?" e baka matapos ang araw na hindi ko man lang nababati si tets. Hindi naman ako makatawag dahil walang load ang aking card. Pwedeng direct call ako using my cellphone kaso natatakot ako sa bill ko next month. Aabot ng isang lipad. Pwede ko na yung food budget for half a month.

Sabog talaga utak ko ngayon.

Wednesday, November 16, 2005

Guess who's in town?

Image hosted by Photobucket.comSi Pareng Bush nandito sa Kyoto, sa Imperial Palace. 10mins away by bike sa aming mansion. Dami daw pulis sabi ng housemate ko nung dumaan siya doon kagabi. Pasyal pa si Bush sa Golden Temple.

Ha!

Kapal ng mukha.

E siya lang ang tanging hindi pumirma sa Kyoto Protocol tapos ineenjoy niya ngayon ang napakagandang season dito.

Hay naku. Mas marami pa akong importanteng gagawin kesa alamin pa kung ano pa ang business ni Bush dito. Tulad ng paper ko about second language acquisition.

-------------
new info:
hindi lang pala US ang hindi pumirma sa Kyoto Protocol, pati pala Australia.
salamat kay LIW sa pagkorek =)

The Wedding

Nope. Hindi ko pa ito kasal.

Image hosted by Photobucket.comKahapon buong araw na namang nakafocus ang media sa Imperial Family. Ang nag-iisang anak na babae nina Emperor Akihito at Empress Michiko na si Princess Norinomiya ay kinasal sa isang 'commoner'. Pinakita sa mga specials sa TV kung paano pinalaki ni Michiko-sama si Norinomiya-sama. Mas mahigpit daw ang pagdidisiplina kesa sa normal na pamilya. Kase since babae si Nori-sama, nakatadhana na daw na lalabas ito sa imperial family dahil mag-aasawa ito. Kaya yung pagpapalaki sa kanya ng nanay niya ay para ihanda ang isang princesa na maging commoner.

Dati tinanong ko sa isang klase ko kung magiging part ba ng imperial family ang magiging asawa ni Nori-sama katulad ng nangyari kay Princess Masako ng ikinasal ito kay Prince Norihito.

Mali pala.

Paano kaya ang adjustments ng dating princess? Magtatrabaho kaya siya? Aatend pa kaya siya ng mga functions connected sa imperial family?

Nakakatuwa din kase yung mga reporters e walang ibang sinabi kundi ang ganda ng aura ng bagong kasal. Nakangiti. Makahulugang mga sulyap sa isa't-isa. Parang at peace sila.

Kilig naman ako.

Monday, November 14, 2005

Mine

Image hosted by Photobucket.com

The New iPod

*evil laugh*

Saturday, November 05, 2005

Still too early...

Christmas is just around the corner. I'm sure people are now busy making a list of anything and everything. And so what if I'm joining the bandwagon? I just want to make myself clear. Just like what I reported several weeks ago in my Language Communication class, all of us would be satisfied if we receive what we really want to have. But of course, it is the nature of people to complicate things. We send hints to our partners. instead of telling what we really want. We prefer to be indirect with our messages even if being direct would prevent us from having little or big misunderstandings.

Hmm, before I turn this entry into a repeat performance of the presentation I did, I am presenting the (material) things I would be happy to receive in this season of giving. Thank you in advance dun sa mga maantig ang puso.

All I want for Christmas
1) An extension from Monbusho so that I can finish my MA degree. We can't do anything about this. Pakisama na lang po sa prayers niyo.

2) Plane ticket to the Philippines. Osaka-Manila-Osaka. Not necessarily for this Christmas because the prices are unbelievably expensive. I'd opt for a February flight to celebrate my 26th year of being a diyosa with other gods and goddesses in my beloved home and leave after March 11th so that I'll still be there to witness our bunso turn 18.

3) New rubber shoes. Preferably Nike or Converse. Wala pa akong Chuck. Shade of brown.

4) Backpack that fits an A4 file case. So that it will be comfortable to walk from my place to school which is 30mins away. Mahirap yung naka-bodybag tapos may folder pa.

5) Complete set of Calvin and Hobbes books. I think there are 15 titles in all and I only have 4, maybe.

6) A new template designed especially for moi. Colored brown, olive green, dark orange. Parang sunset sa autumn. I like autumn (better than spring (I think)). Plus, the colors are somewhat soothing. I don't have any sense nga lang if it will look good if these three colors are combined.

7) CDs of APO, Gary Valenciano, VST&Co., Hotdogs, Boyfriends. Kahit tig-iisa album lang.

8) Christmas cards. Waaah! Parang ang lungkot naman nito. But since the Japanese do not celebrate Christmas like the Filipinos, its really extra sad. Last year, during the Christmas mass, the Filipinos were crying. I cried during communion.

9) A ring. Hmmm. Malabo pa siguro ito... Magbayad yung mga may utang sa akin. Para makabayad din ako ng utang. Nyek!

10) Ham. Since I know its inevitable to be lonely this Christmas, I would rather feel sad on a full stomach.

Make your lists too. Who knows, Santa Claus might visit your blogs. We can never can tell. Can you not? =)