Matagal-tagal ding hindi nadiligan ang lupa. Hay naku. Iba talaga ang feeling pag umuulan. Kaninang umaga pa itong ulan dito, hanggang bukas yata, walang tigil. Umiiyak kaya ang langit dahil tapos na ang Golden Week? =)
Ang sarap makakita ng mga young labers dito. Hindi masyadong touchy. Kaya nakakawindang pag may nakikita ako na nagkikiss sa public! Waah! Inggit lang siguro ako...
Masarap magkulong sa bahay pag ganitong umuulan. Pwedeng manood ng tv, makinig sa radio at sumabay sa music, matulog, magbasa. Masarap ding uminom ng mainit na kape kahit hapon. Kaso wala naman dito si bunso para ipagtimpla ako ng kanyang masarap na kape =).
Kaso dito ako ngayon, nakakulong sa computer room, may hinahabol na deadline. Hehe. Break lang ito.
Kanta muna.
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
(Eheads version)
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Kinanta niyo ba yung
Oooohhh?
Another wave of homesickness...
Walang katapusan...