Thursday, October 28, 2004

Munting Trivia

Trivia 1: Sa year 3000, 27 na lang ang population ng Japan. Gamit na batayan ang data ng 2003, nakita na pababa ang population ng Japan. Nagyon, sa bawat dalawang lalake, merong lang 1.26 na babae. At dahil ang normal na family sa Japan ay compose lamang ng tatay, nanay, at isang anak. Kaya kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, wala ng Hapon pag dating ng 3006 (ata). Dalawang solusyon lang: Una, mag-anak ng madami. Pangalawa, mag-import ng foreigners para dito tumira sa land of the rising sun. Dito ngayon papasok ang mga Pilipino... Magsisimula sa mga nagtatrabaho dito bilang entertainer at nagkakaanak sa mga Hapon. Hindi na magiging mahigpit ang Japan Embassy. Filipinos will invade Japan... Soon!!!

Trivia 2: Ano ang mga words na dapat gamitin ng lalake para maiparamdam nito na importante ang babae sa kanya at seryoso siya dito para naman magkaroon ito ng impact sa babae? Upang masagot ito, nagkaroon ng mini-conference ang mga psychological linguists, developmental psychologists, behavioral psychologists (at kung sino-sino pa na may kinalaman dito). After 10 hours of debating and figuring out what words should be used by a man, they came up with this:
Rainen no kono hi mo isshoni waratte ne... (or something like this)
Next year same day together laugh (gloss)
Bahala na kayo sa free translation. Basta ibig sabihin nito ay: iniisip na ng lalake hanggang next year magkasama sila ng babae na puro good times :) Hindi man kayo mag-agree, Japanese culture ito ha. Maaaring may hawig sa atin, pwede ring walang relasyon...

Trivia 3: Sa Nevernever land, walang matanda. Alam nyo ba kung bakit walang matanda sa Neverneverland? Dahil pinapatay ni Peter Pan ang mga tumatanda! Hindi kayo makapaniwala? Ako din! First love ko pa naman si Peter Pan, tapos mamamatay-tao pala siya. Pero this is true. Ayon sa original book kung saan inadapt ang Peter Pan na may title na Peter and Wendy, pinapatay ni Peter ang mga tao na nagreach ng age na hindi na pwedeng i-consider na bata. Dahil against sa rules ng Neverneverland na tumanda. Paano naman pinapatay ni Peter ang mga tumatanda?�@May dalawang theories. Una, kasabwat ni Peter si Tinkerbell at isasama nila sa paglipad ang kanilang biktima saka nila ihuhulog ito. Second theory, ipapakain ni Peter sa crocodile ang kanyang biktima. Hindi ba friends sila nun?
Nasira na ang pagmamahal ko kay Peter Pan dahil sa nalaman kong ito... Huhuhu...

Byaheng Pinas

Nagkaroon ako ng pagkakataong makita sa Channel 5 ang video nito bago ako umalis. Sa totoo lang, napaluha ako. Ewan ko kung anong kababawan meron ako, pero alam ko sa sarili ko na Pilipinas lang ang bayan para sa akin. Umalis man ako at makadating sa iba`t-ibang lupalop, hindi pwedeng hindi ako uuwi sa perlas ng aking sinilangan.
Ang galing ng DOT dahil nakapagcome-up sila ng ganitong video na nagpapakita kung ano ang kagandahan ng ating bansa. Congrats talaga at salamat din sa mga artist na nagshare ng kanilang talent para mabuo ito. Feeling ko naman part talaga ako! Sobrang apektado lang talaga ako nito.
Malamang marami na ring nakapanood sa inyo nito. At malamang din na naantig kayo. (Lalo na sa pagbigkas ni Jessa Zaragosa ng Siargao.) Enjoy nyo na lang. At sana magbyahe kayo mula Batanes hanggang Jolo. Nang makita ang tunay na ganda ng Pilipinas. :)

http://www.tourism.gov.ph/media_source/byahetayo.wmv>

Wednesday, October 20, 2004

Words for the day

May raket ako kanina. At mula sa raket na yun, may natutunan akong dalawang bagong salita.

Una, parasite single. Ito ang mga taong kumikita na pero nasa pangangalaga pa rin ng kanilang mga magulang. May sariling sweldo na ginagamit sa pansariling pangangailangan.

Pangalawa, isang acronym NEET. Ito ang mga taong "not in education, employment or training".

Marami tayo niyan. Pero dito ko sa Japan natutunan. Ibig sabihin meron din sila ng mga ganitong klaseng tao at lumalaki siguro ang populasyon nito kaya gumawa na ng isang termino upang mabigyan ng konkretong representasyon ang ganitong konsepto.


Tuesday, October 19, 2004

LIMANG TAON

Erwin Francisco Rafael!
Salamat sa limang taong punumpuno ng mga makukulay na alaala.
Mahal na
Mahal na
Mahal na
Mahal na
Mahal kita.

Saturday, October 16, 2004

My keitai denwa

Ang kyut no??? It`s my first new toy here.

You can email me thru this unit (na-announce ko na sa madla ang aking email addy) at matatanggap ko agad. Reply din ako agad lalo na kapag hindi masakit ang kamay ko. Ang hirap kase magtype ng nobela sa cellphone.



May dictionary pa ito. English-Japanese at Japanese-English. Very useful for language learners...
Syempre, may camera...
Pwede rin magvideo. 5 secs nga lang. (parang babahing lang!)
May mirror pa. Kaya palaging maganda kapag kodakan time!
May global passport pa iyan. Although, hindi ko pa alam kung anong gamit at paano gamitin...

Anong panama nung pinakamamahal kong Nokia 3310 dito???

Thursday, October 14, 2004

Isang linggo sa palibot ng mga templo

Yes. Kahapon, sinelebreyt ko ang aking isang linggong pamamalagi di sa Kyoto, ang old city ng Japan. Tinapos ko na din lahat ng papeles na kailangang isabmit sa international office. Nairegister ko na ang aking sarili bilang alien; may health insurance na din ako na buwan-buwan kong babayaran; nakapag-open na din ako ng bank account kung saan papasok ang pera ng Hapon na pwede kong gastusin sa kahit anong paraang aking naiisin; at may mobile fone na rin ako na pwedeng tumanggap ng email kahit kanino. Kaya kung namimiss nyo na ako email nyo lang ako at sasagot ako agad:
Nakausap ko na ang aking adviser. Marunong siyang mag-Ingles! I`m so happy!!! Wala akong kailangang gawin hanggang March kundi i-feel at mag-adjust sa akong bagong kapaligiran. Galing yan sa adviser ko. Nga lang, hindi rin sigurado na makakapasok ako sa MA program nila. Isang malaking challenge ang aking kakaharapin... Mag-eexam ako in Japanese. Hay naku! Tinik sa aking tiyan!!!
Isang linggo pa lang pero nakahataw na ako ng gimik... Nung Friday, kasama si ate beth (ang nagmagandang-loob na patuluyin ako sa kanyang apartment) pumunta kami sa isang inuman sa may downtown. Umorder lang naman ako ng smirnoff. Walang epeks. Akala ko dun matatapos yung gimik... Maling-mali....
Alas-onse y medya ng gabi, lumabas kami sa bar at pumunta sa katabing karaoke place... Free time. Hanggang alas singko y medya pala pag ganun! Kanta-kanta, inom-inom ng whiskey at coke. Nakikitagay naman ako pero hindi kaseng lakas ng inom ng mga kasama ko. All you can drink ba naman e... Kailangang sulitin.
Sinulit nga nila... Lakas ng tama ng mga kasama ko... Masaya. Sobra!!!
Hhmmm, sana di madalas ang gimik... Ubos pera... Pero okey din. Binabalik lang naman namin sa Hapon ang pera nila!!!
Buti na lang...
May mga mabubuting taong nakaisip ng ganitong program...
Cultural exchange...
Para sa ikalalawak ng pagkakaintindi ng magkakaibang kultura...
(^.^) v

Friday, October 08, 2004

I am in Japan

Hi! ang tsaka ng title ko.�@pagpasensyahan nyo na...
its my second day as a nobody here. as in nobody dahil wala pa akong alien registration, o school i.d., kahit yung temporary man lang. kaya di rin ako makapagbukas ng bank account at makabili ng cellphone. umaasa ako sa senpai ko. buti na lang same course kami at same org pa... alagang-alaga... :)
napaka-uneventful ng flight ko. manaka-nakang turbulence lang. okey din ang food. chicken. tsalap, tsalap. ang boring ng katabi ko. di ko man lang nakausap. hihiraman ko sana ng tagalog pocketbook kaso tinulugan naman ako.... nagtiyaga na lang akong basahin yung travel guide nila tsaka yung listahan ng mga pasalubong.
pagdating ko naman sa kansai airport, may taxi nang naghihintay sa akin. hinatid na ako sa place ni master beth. at sa kanya ako nakatira ngayon at hanggang sa makakuha ako ng apartment.
kahapon, pumunta na ako dito sa skul (Ritsumeikan University) para sa sangkatutak na pirmahan. tapos na-meet ko na ang dean ng department na magho-host sa akin. i`ll be under the department of language education and information science. sounds very academic no?! pero ang adviser ko na syang tutulong sa aking buhay bilang research student ay hindi pa nagpapakita. okey lang... masarap naman maging BUM! :)
pag-uwi ko kahapon, naligaw ako. sabi ko na kase eh, may mangyayaring ganito. isang oras akong naglalakad. tinandaan ko naman yung way pauwi kaso maling gate ang nilabasan ko dito sa skul kaya nagtuloy-tuloy na... buti na lang, may nakita akong police station. mega-tanong naman ako. malapit naman pala eh!
buti na lang di ako umabot sa next province :)