Financial Crisis ng Pilipinas
two weeks ago, inanawns na ni arroyo na tayo ay nasa state kung saan matindi ang krisis-pinansyal. leyt na anawnsment. alam na ng lahat yun. matagal na itong nararamdaman ng masa. nakatulong ba ang anawnsment? hindi. tumaas pa ang dolyar. as if naman, bagong krisis iyon. magpanic ba?
ngayon, hinihiling ng admisistrasyon na magsakripisyo ang lahat.
oo.
LAHAT.
mga mayayaman(kayanin kaya nila?) mga mahihirap(sanay na jan) pati mga opisyal ng gobyerno.
DAPAT LANG NAMAN LAHAT!
bawas byahe, gastos sa mga seminar, tipid sa merienda. ok naman. para sa bayan,
sakripisyo... paulit-ulit na yan ang sinasabi ni pareng oca sa debate. yan ang kulang sa atin, sa mga hinalal nating opisyal.
natural, dapat pati kongreso.
pero, nakakapanggalaiti yung narinig ko sa balita.
nagmamaktol ang mga gago dahil babawasan ang allowance nila. tanong pa ng isang kongresista, bakit daw kailangan sila ang maipit? paano na daw yung mga pinangako nila sa constituents nila nung campaign period?
TANG-INA!!!!
bakit daw kailangan silang bawasan ng pork barrel???
MGA HAYOP!!!!
alam nyo ba kung magkano ang tatanggalin sa kanila?
38%!!!
opo... 38%... lang...
sa porsyenteng iyan, mapipilayan na daw sila.
ibig sabihin kung tumatanggap sila ng 70 million, ang matitira na lang sa kanila e 43 million... isipin mo yan!
43 million...
para sa isang distrito.
hindi ka pa ba makakapagbigay nyan ng pondo para sa ipapagawang mga daan?
wala ka na bang estudyanteng mapag-aaral ng libre?
hindi ka na ba makakatulong sa pangkabuhayan ng constituents mo???
43 million...
gaano kaya kadami to???
gaano kaya kaunti to???
wala ka na bang magagawa para sa pinagsisilbihan mo kapag 43 million lang ang pork barrel mo?
baka naman kase, yung 38% (na tatanggalin) ang nakalaan na pondo para sa distritong hinahawakan ng mga tinginingining mga kongresista na yan.
yung 62%? ewan ko...
kanya-kanya na tayong isip. isa lang ang sigurado ko. mas madami ang mag-iisip (kung hindi man lahat) na hindi ito mapupunta sa dapat na pinaglalaanan.
sobrang kadamutan ito...
mga ganid...
maghahanap pa ako sa dictionary ng mas matinding term sa ganid...



